Haaaaaaay, naiimbyerna ako kasi hindi ako makalabas ng bahay, walang kasama.
Tatlong tumbling na nga lang ang Mall of Asia samin, di parin ako makalabas.
Thinking about it, wala naman talaga akong karapatang lumaboy. Kailangan ko pang tapusin ang notes ko sa AP at TLE. Late na late na ako dun. HAHAHA. Patay-patay na.
Moving on, napaisip ako tuloy... atat na atat akong umalis kasi baka nandun ang soulmate ko.
Naramdaman niyo na ba yun? Yung tipong hinahatak ka sa isang lugar pero pagdating dun hindi mo alam kung bakit? Tapos maffrustrate ka kasi hindi mo malaman kung bakit ka andun tapos magrereklamo ka sa pagod.AKO, Parati. HAHA.
Parati ko kasing hinahanap si Soulmate, o kahit si First Boyfriend na lang. Masyado atang conservative ang soulmate. And I'm far too liberal about those things.
Minsan ko nang nasabi sa tatlong bestfriends ko na pag tanda namin, habang silang lahat may asawa na, mga 10-12 years from now, I'd still probably be out partying, having hook-ups here and there, living in a posh apartment, signing autographs on my bestseller novels. Tinawanan lang nila ako.
Such friends. :)
Never pa akong nagkaboylet, have I said that already? I live a very boring love life. Although not socially awkward, I'm pretty much intimidating.
(their words, not mine) Wala man akong kilay na kasing taas ng kay Princess sa PBB, nor 1/4 of her bitchiness, I still have bitchiness in me. That makes me rather a friend than a girlet. I've accepted that for quite some time now.
I've also accepted the fact that it's actually pointless to actually think na ang minsang inupuan ko sa fastfood e naupuan na din 'niya' o kung parehas kami parati ng order, kung ang binili kong tiket sa LRT/MRT ay minsan niya naring nagamit o baka naka stored-value siya o kung minsan ba ay may nabasa na siya sa mga sinulat ko, or kung baliktad lang ang last two numbers ng cellphone number namin para naman matext ko na siya-
so far, wala pang nagrereply.
O kaya naman, kung hinahanap din ba niya ko.Sabi ng iba, wag ko daw hanapin, kasi pag hindi ko hinanap tsaka dadating. Eh pano kung sa parehas na araw at oras naming napagdesisyunan parehas na wag maghanap eh di magiintayan nalang kami habambuhay. Nako ha. Ang kembyular.
I know, I know, sort of stupid pero may magagawa nga ba ako kung pinapaniwalaan ko yung mga bagay na pwedeng magpakilig sakin? Haaay. hindi pa tapos ang araw, pero parang pagod na pagod nako.
xo, stars.